DULONG LIRIKO NG PAMBANSANG AWIT DAPAT BANG PALITAN?

DULONG LIRIKO NG PAMBANSANG AWIT DAPAT BANG PALITAN?

ni Kc Mae E. Gato VI-Mendel

“ANG MAMATAY NG DAHIL SAYO” ito ang huling liriko ng ating Pambansang Awit. Ang paulitullit na inaawit ng mga mag-aaral tuwing Lunes ng umaga pagpasok sa paaralan, anumang baitang sila kabilang. Ito din ang nakalakihan ko at natutunang liriko ng Pambansang awit simula pa ng ako ay tumuntong sa paaralan.Si nanay ang unang nagturo nito sa akin. Sa tuwing inaawit ito ay nakadarama ako ang lungkot. Parang nakikita ko kasi kung paano ipinagtanggol ng ating mga bayani ang ating bayang minamahal. Kung paano sila inapi at pinahirapan ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa. Biglang-bigla, ikinagulat ng lahat, narinig ng sambayanan ang panukala ni Sen.Tito Sotto.Palitan ang huling liriko ng Pambansang Awit. “Dapatlumaban,” hindi mamatay, hindi patay.” Bigla akong nag-isip.Tama nga ba na palitan ang ilang liriko ng ating Pambansang Awit? Dapat na mga ba itong isaayos? Dapat na mga ba itong iupgrade? Baguhin dahil panahon na ng milenyal? Nalungkot ako sa pagkakataong ito.Nais ko kasi na manatili ang liriko ng Pambansang Awit sa orihinal na komposisyon dahil para sa akin walang mali dito at parte na ito ng ating kasaysayan. Ihinahalintulad ko ito sa aming pamilya na “handa akong mamatay, maipagtanggol lamang sila laban sa masasamang loob”.

DEPED LINKS

CONNECT WITH US