DEPED LINKS
CONNECT WITH US
SOCIAL MEDIA
SITE VISITORS
OUR LOCATION
Sa Loob at Labas ng Bayan kong Sawi
– Francisco Baltazar (Mula sa Florante at Laura)
Sa loob at labas ng bayan kong sawiKaliluha’y siyang nangyayaring hariKagalinga’t bait ay nalulugami,Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.
Ang magandang asal ay ipinupukolSa laot ng dagat ng dusa’t linggatongBaling magagaling ay ibinabaonAt inililibing nang walang kabaong.
Nguni ay ang lilo’t masasamang loobSa trono ng puri ay iniluluklokAt sa baling sukab na may asal-hayopMabangong ins’yenso ang isinisuob.
Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayoAt ang kabaota’y kimi’t nakayukoSantong katuwira’y lugami at hapoAng luha na lamang ang pinatutubo.
At ang baling bibig na binubukalanNg sabing magaling at katotohananAgad binibiyak at sinisikanganNg kalis ng lalong dustang kamatayan.
O taksil na pita sa yama’t mataas!O hangad sa puring hanging lumilipas!Ikaw ang dahilanng kasamang lahatNiyaring nasapitna kahabag-habag.